Nagsagawa ng Greyhound Operation ang Romblon District Jail upang palakasin ang seguridad at maiwasan ang pagpasok ng kontrabando sa loob ng pasilidad.
Pinangunahan ang operasyon ni Acting Jail Warden Jail Senior Inspector Emely Mallen kasama ang mga jail personnel.
Sinuri sa aktibidad ang mga selda at common areas ng Persons Deprived of Liberty (PDL) bilang bahagi ng regular na inspeksyon sa loob ng kulungan.
Sa isinagawang paghahalughog, masusing ininspeksyon ng mga tauhan ang iba’t ibang bahagi ng pasilidad upang matiyak na walang ipinagbabawal na gamit o kontrabando sa loob ng Romblon District Jail.
Ayon kay Mallen, walang nakuhang mga ipinagbabawal na gamit sa mga PDL.
Ayon sa pamunuan ng kulungan, ang regular na Greyhound Operation ay isinasagawa upang mapanatili ang kaayusan, disiplina, at seguridad ng pasilidad, gayundin ang kaligtasan ng mga PDL at jail personnel.
Dagdag pa, bahagi rin ito ng pagpapatupad ng mga pamantayan ng Bureau of Jail Management and Penology para sa maayos at kontroladong custodial environment.


































