Nakatanggap ng tulong-pinansyal ang mga estudyante at alumni ng Romblon State University – Romblon Campus sa isinagawang pamamahagi ng Tertiary Education Subsidy (TES) at Tulong Dunong Program (TDP) nitong nakaraang linggo.
Ayon sa mga estudyanteng nakatanggap, ang TDP grant na may kabuuang ₱15,000 ay naipamahagi na nang buo sa mga benepisyaryo matapos maibigay ang ikalawang bahagi ng payout.
Samantala, unang kalahati pa lamang ng TES grant ang naipamahagi, kung saan ang kabuuang halaga nito ay ₱20,000 para sa bawat grantee.
Sa kabuuang 951 grantees, 949 ang nakatanggap ng kanilang tulong-pinansyal. Ang TES at TDP ay mga programang nagbibigay ng suportang pinansyal sa mga mag-aaral sa tersiyarya.


































