• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Thursday, November 19, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Mga kabataan, hinimok na maging mapanuri sa mga nababasa online

    Mga kabataan, hinimok na maging mapanuri sa mga nababasa online

    Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

    Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

    Cantingas River Resort, pinakadinayong tourist attraction sa Romblon noong Oktubre

    Cantingas River Resort, pinakadinayong tourist attraction sa Romblon noong Oktubre

    FAAS Lofts Hotel sa San Agustin, nangungunang hotel sa Romblon

    FAAS Lofts Hotel sa San Agustin, nangungunang hotel sa Romblon

    30 PDL sa Odiongan District Jail, tumanggap ng tig-₱3K educational assistance mula DSWD

    30 PDL sa Odiongan District Jail, tumanggap ng tig-₱3K educational assistance mula DSWD

    Halos 200K bisita, naitala sa mga pasyalan at accommodation establishments sa Romblon

    Halos 200K bisita, naitala sa mga pasyalan at accommodation establishments sa Romblon

    Mahigit 240K ePhilID, naimprenta at naipamahagi na ng PSA Romblon

    Mahigit 240K ePhilID, naimprenta at naipamahagi na ng PSA Romblon

    Starlite Ferries’ new route this December: Odiongan to Batangas

    Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

    Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

    Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News Concepcion

Samahan ng mga magsasaka sa Concepcion, Romblon, unti-unting umaani ng tagumpay sa kabila ng mga hamon

Ana MendozabyAna Mendoza
January 9, 2026
in Concepcion, Features
Reading Time: 10 mins read
89
0
Samahan ng mga magsasaka sa Concepcion, Romblon, unti-unting umaani ng tagumpay sa kabila ng mga hamon
Share on FacebookShare on Twitter

Tahimik ngunit determinado ang 25 miyembro ng LETS Farmers Association sa Barangay Dalajican, bayan ng Concepcion, Romblon sa pagpapatunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan at sipag ay kayang lagpasan kahit ang pinakamabibigat na pagsubok sa agrikultura.

Sa ilalim ng Fruit Trees Integrated with Goat Production Project ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program, maaaring wala pa mang kita ang kanilang proyekto, ngunit malinaw na nakikita na ang bunga ng kanilang pagsisikap.

Nagsimula ang proyekto noong 2024 at agad humarap sa seryosong hamon ang asosasyon matapos makaranas ng matinding El Niño. Dahil sa kakulangan ng pagkain, ilang kambing na inalagaan sa isang communal area ang namatay. Dahil dito, napagdesisyunan ng mga miyembro na ipamahagi na lamang ang mga kambing sa bawat magsasaka upang mas mabantayan at maalagaan ang mga ito.

Ayon kay Augustine Ferranco, pangulo ng LETS Farmers Association, naging epektibo ang naging desisyon ng grupo.

“Yong mga kambing namin ay dating nasa communal area pero dumaan ang tagtuyot, kakaunti ang pagkain kaya napagpulungan namin na i-distribute ang mga kambing para mabantayan at maalagaan. Naging maganda naman ang resulta at dumami ang mga kambing,” ani Ferranco.

Dahil sa bagong sistema ng pangangalaga, umabot na ngayon sa 56 ang malulusog na kambing ng asosasyon, kabilang ang 24 na biik, na siyang itinuturing na pinakamalaking kawan sa hanay ng mga benepisyaryo ng SAAD goat production program sa buong MIMAROPA.

Upang matiyak ang patas na pamamahagi, may malinaw na kasunduan ang asosasyon sa paghahati ng mga biik. Ang unang ipinapanganak ay mapupunta sa asosasyon, habang ang susunod ay mapupunta sa miyembro, at may umiiral na palitan kung iisa lamang ang biik na ipinapanganak sa magkakasunod na pagkakataon.

Lubos naman ang pasasalamat ng grupo sa tulong na kanilang natanggap mula sa SAAD Program.

“Nagpapasalamat po kami bilang association sa SAAD dahil napakalaking tulong ang interventions tulad ng kambing, fruit trees at iba pang materyales. Bagamat wala pa kaming kita, nagpupursige kami para lalo pang lumago ang aming association,” dagdag ni Ferranco.

Plano ng asosasyon na unti-unting ibenta ang mga matatandang kambing na mababa na ang produktibidad upang mapanatiling malusog at de-kalidad ang kanilang kawan. Inaasahan nilang makapagsimula ng pagbebenta ng kambing sa susunod na taon, na magsisilbing unang hakbang sa tuluyang pagkakaroon ng kita.

Kasabay ng pag-aalaga ng kambing, patuloy ding inaalagaan ng mga miyembro ang kanilang mga punongkahoy na namumunga at pansamantalang nagtatanim ng gulay sa communal area upang masigurong walang lupang masasayang.

Sa kabila ng mabagal na paglaki ng mga punongkahoy at mga hamong dulot ng kalikasan, nananatiling matatag, matiyaga, at nakatuon ang LETS Farmers Association sa kanilang layuning mapabuti ang kabuhayan ng bawat kasapi sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap. (by Melissa F. Lingco)

Related Posts

Tatlong pamilya sa Sibale, tumanggap ng bagong tahanan mula sa LGU

Tatlong pamilya sa Sibale, tumanggap ng bagong tahanan mula sa LGU

November 10, 2026
BE-FAST, gabay sa pagkilala sa mga babalang palatandaan ng stroke

BE-FAST, gabay sa pagkilala sa mga babalang palatandaan ng stroke

October 20, 2026

Popular Stories

  • Estudyante, nasawi matapos bumangga ang motorsiklo sa puno ng niyog sa Calatrava

    Estudyante, nasawi matapos bumangga ang motorsiklo sa puno ng niyog sa Calatrava

    1035 shares
    Share 414 Tweet 259
  • Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

    280 shares
    Share 112 Tweet 70
  • MSMEs sa Odiongan, humina ang bentahan kasunod ng pagbubukas ng bagong shopping center

    97 shares
    Share 39 Tweet 24
  • Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

    67 shares
    Share 27 Tweet 17
  • Mga gamot na bawal pagsabayin: Biogesic, Neozep, atbp.

    26915 shares
    Share 10819 Tweet 6707
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Mahigit 23,000 pamilya sa Romblon, nakatanggap na ng tig-10 kilo ng bigas mula sa Prov’l Gov’t

Seguridad ng mga mamimili sa bagong bukas na Hataw Shopping Center, sinisiguro ng pulisya

PMNP training sa maternal at child nutrition, isinagawa sa MIMAROPA

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up