Patuloy na ipinapakita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) MIMAROPA ang suporta nito sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) kahit matapos silang makalaya, sa pamamagitan ng After Care Program na layong tulungan ang dating mga bilanggo na makapagsimula muli ng panibagong buhay.
Kamakailan, tumulong si Senior Jail Officer 1 Napoleon Mesana Jr. sa isang bagong-layang PDL sa pamamagitan ng pagbigay ng rent-to-own na tricycle. Layunin nito na mabigyan ang dating PDL ng pagkakakitaan, katuwang ng kanyang pamilya, at pagkakataong muling makapagbagong-buhay na may dignidad at pag-asa.
Ayon sa BJMP MIMAROPA spokesperson na si Jail Officer 3 Joefrie Anglo, ang programa ay hindi lamang basta pamigay ng kabuhayan, kundi isang paraan upang maibalik ang tiwala sa sarili ng mga dating PDL habang bumabalik sila sa kanilang mga komunidad.
Bahagi ang After Care Program ng mas malawak na mandato ng BJMP na umakay at umalalay sa mga dating PDL upang maiwasan ang pagbabalik sa maling landas, mapatatag ang kanilang pagbangon, at mas mapalakas ang pakikipagtulungan sa mga komunidad.




































Discussion about this post