Pinasinayaan nitong Martes, Oktubre 28, ang ilang mga proyektong pinondohan ng AnaKalusugan Party-list sa lalawigan ng Romblon sa pangunguna ni Ray Reyes ng AnaKalusugan at Romblon Lone District Rep. Eleandro Jesus Madrona.
Kabilang sa mga proyektong binuksan ang Solar-Powered Water System Project sa Barangay Sto. Niño, Looc; Covered Court sa Barangay Gabawan, Odiongan; at Multi-Purpose Building sa Romblon State University – Calatrava Campus.
Kasama ring pinasinayaan ang Water System Project sa Barangay Camandag, Looc, Romblon, na ngayon ay magagamit na ng mga residente matapos ang ilang buwang konstruksyon. Sinimulan ang proyekto noong Pebrero at natapos kamakailan sa ilalim ng programang naglalayong maghatid ng malinis at sapat na suplay ng tubig sa mga liblib na barangay.
Ang nasabing solar-powered water system ay inaasahang makatutulong upang masiguro ang tuloy-tuloy na daloy ng tubig sa mga kabahayan nang hindi nakadepende sa mataas na gastusin sa kuryente.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Camandag sa proyekto, na anila’y malaking kaginhawaan kumpara noon na kinakailangan pa nilang maglakad nang malayo upang makakuha ng malinis na tubig.




































 
                
Discussion about this post