Tatlumpu't limang pamilya sa Sitio Loho, Barangay Punta, Looc, Romblon ang nakatanggap ng tulong mula sa mga kawani ng Technical Support Platoon ng Romblon Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Captain Ricky Fran II nitong Biyernes.
Layunin ng aktibidad na maiparating ang malasakit at suporta ng kapulisan sa mga residente sa malalayong lugar ng bayan.
Ayon kay Fran, kabuuang 35 pamilya ang nabigyan ng food packs na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan.
Katuwang ng mga pulis sa pamamahagi ng tulong ang Looc Municipal Police Station at ilang sponsors mula sa pribadong sektor, na nagsanib-puwersa upang maipagpatuloy ang programang pangkomunidad ng PNP.
Ayon pa kay Fran, bahagi ito ng kanilang patuloy na community outreach program na naglalayong palakasin ang ugnayan ng pulisya at mamamayan, at iparamdam na ang PNP ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas, kundi katuwang din sa pagbangon at pag-unlad ng mga komunidad.
Ipinahayag naman ng mga residente ang kanilang pasasalamat sa ibinahaging tulong at sa malasakit ng mga pulis.




































Discussion about this post