Nagsagawa ng orientation ang Romblon District Jail nitong Biyernes para sa ikalawang batch ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Layunin ng programa na mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay at dagdag kita ang mga persons deprived of liberty (PDL) sa pamamagitan ng community-based work.
Ayon kay Jail Inspector Fatima Rabino, warden ng kulungan, bahagi ito ng rehabilitasyon at reformation program ng BJMP.
Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan ng DOLE, jail personnel at PDL participants.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo dahil nakikita nilang makatutulong ito hindi lamang sa kanila kundi pati sa kanilang pamilya.



































