• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Thursday, November 19, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Mga kabataan, hinimok na maging mapanuri sa mga nababasa online

    Mga kabataan, hinimok na maging mapanuri sa mga nababasa online

    Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

    Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

    Cantingas River Resort, pinakadinayong tourist attraction sa Romblon noong Oktubre

    Cantingas River Resort, pinakadinayong tourist attraction sa Romblon noong Oktubre

    FAAS Lofts Hotel sa San Agustin, nangungunang hotel sa Romblon

    FAAS Lofts Hotel sa San Agustin, nangungunang hotel sa Romblon

    30 PDL sa Odiongan District Jail, tumanggap ng tig-₱3K educational assistance mula DSWD

    30 PDL sa Odiongan District Jail, tumanggap ng tig-₱3K educational assistance mula DSWD

    Halos 200K bisita, naitala sa mga pasyalan at accommodation establishments sa Romblon

    Halos 200K bisita, naitala sa mga pasyalan at accommodation establishments sa Romblon

    Mahigit 240K ePhilID, naimprenta at naipamahagi na ng PSA Romblon

    Mahigit 240K ePhilID, naimprenta at naipamahagi na ng PSA Romblon

    Starlite Ferries’ new route this December: Odiongan to Batangas

    Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

    Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

    Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News Romblon

Konsehal Molino, iginiit ang masusing imbestigasyon sa flood control funds sa Romblon

Ana MendozabyAna Mendoza
September 2, 2025
in Romblon
Reading Time: 8 mins read
229
0
Konsehal Molino, iginiit ang masusing imbestigasyon sa flood control funds sa Romblon
Share on FacebookShare on Twitter

Sa kanyang privilege speech sa ika-9 na regular na sesyon ng Sangguniang Bayan noong Setyembre 1 binigyang-diin ni Konsehal Lyndon Molino ang umano’y kawalan ng epekto ng bilyong pisong inilaan para sa flood control projects sa lalawigan, sa kabila ng patuloy na pagbaha sa ilang lugar.

Ayon kay Molino, batay sa ulat na isinumite sa Malacañang’s “Sumbong sa Pangulo” website, mula Hulyo 2022 hanggang Pebrero 2025, mahigit ₱5.8 bilyon ang inilaan para sa mahigit 80 flood control projects sa Romblon. Karamihan dito ay nasa Tablas Island, ilan sa Sibuyan, at dalawa sa mismong bayan ng Romblon, partikular sa Barangay Sawang at Barangay Lunas.

Dagdag pa rito, nakapaloob sa 2025 General Appropriations Act ang karagdagang ₱6.6 bilyon para sa mga katulad na proyekto sa lalawigan.

Binanggit ni Molino na sa kabila ng halagang ito, patuloy pa ring nakararanas ng matinding pagbaha ang ilang komunidad, kabilang ang Poblacion.

Ani pa niya, may pangamba na ang ilang imprastraktura gaya ng cross-country at farm-to-market roads sa mga lugar na wala namang sakahan ay posibleng nakapagpalala pa ng pagbaha.

Sa kanyang talumpati, inihalimbawa rin niya ang pahayag ni Rodne Galicha, miyembro ng MIMAROPA Regional Development Council mula sa civil society sector, na matagal nang isyu ang hindi pagtutugma ng mga proyektong inendorso ng mga LGU at ahensya sa rehiyon sa aktwal na nailalabas na pondo sa pambansang badyet.

Iginiit ni Molino na dapat masusing suriin ang implementasyon ng mga flood control projects, tiyakin ang konsultasyon sa LGUs bago ipatupad, at palakasin ang project monitoring system ng pamahalaan alinsunod sa umiiral na batas.

“Oras na para ipatupad ang batas, busisiin ang mga proyekto, at ituon ang pondo sa totoong solusyon. Hindi tayo dapat lumubog sa baha—lalo na’t nilulunod na tayo ng flood control funds na hindi naman kumokontrol sa baha,” pagtatapos ni Molino.

Walang pang pahayag ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways – Romblon District Engineering Office sa pahayag ni Molino.

Tags: #FloodControl

Related Posts

Starlite Ferries’ new route this December: Odiongan to Batangas

Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

November 18, 2026
Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

November 18, 2026

Popular Stories

  • Estudyante, nasawi matapos bumangga ang motorsiklo sa puno ng niyog sa Calatrava

    Estudyante, nasawi matapos bumangga ang motorsiklo sa puno ng niyog sa Calatrava

    1035 shares
    Share 414 Tweet 259
  • Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

    279 shares
    Share 112 Tweet 70
  • MSMEs sa Odiongan, humina ang bentahan kasunod ng pagbubukas ng bagong shopping center

    94 shares
    Share 38 Tweet 24
  • Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

    67 shares
    Share 27 Tweet 17
  • Mga gamot na bawal pagsabayin: Biogesic, Neozep, atbp.

    26914 shares
    Share 10818 Tweet 6707
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Mahigit 23,000 pamilya sa Romblon, nakatanggap na ng tig-10 kilo ng bigas mula sa Prov’l Gov’t

Seguridad ng mga mamimili sa bagong bukas na Hataw Shopping Center, sinisiguro ng pulisya

PMNP training sa maternal at child nutrition, isinagawa sa MIMAROPA

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up