Personal na tutungo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Masbate City at Romblon upang alamin ang kalagayan at pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, nakatakda silang bumiyahe sa mga nabanggit na lugar bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking matulungan ang lahat ng mamamayan sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.
Batay sa pinakahuling datos ng DSWD, umabot na sa 641,000 pamilya o mahigit 2.2 milyong indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Mirasol, Nando, at Opong sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Tiniyak din ng ahensya na may sapat na suplay ng quick relief food packs, sa kabila ng inaasahang lima hanggang siyam pang bagyo bago matapos ang taon.



































