Timbog ang isang mag live-in partner at isa pang lalaki sa ikinasang buy-bust operation kontra iligal na droga sa Sitio Kuli-Kuli, Poblacion, noong Sabado ng gabi sa San Agustin, Romblon.
Ayon sa ulat, isang operatiba ang nagkunyaring bibili ng iligal na droga sa mga suspek. Nakabili umano ito ng isang sachat ng hinihinalang shabu sa halagang P1,000.
Bukod dito, narekober din umano sa mga suspek ang lima pang sachet na pinaghihinaan ding may lamang shabu at ilang drug paraphernalia.
Pinaniniwalaang ginagamit ng mga suspek ang kanilang tirahan bilang “drug den,” base sa dami ng ebidensyang nakuha sa loob ng bahay.
Nasa kustodiya na ng San Agustin Municipal Police Station ang tatlo at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


































