Naharang ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) MIMAROPA ang isang parcel na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana sa bayan ng Romblon, Romblon.
Sa ulat ng PDEA, tinatayang nasa 50 gramo ng pinaghihinalaang marijuana ang laman ng naturang parcel na nasabat sa ikinasang interdiction operation, katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.
Ayon sa mga awtoridad, nakapangalan sa isang alyas “Bryan” ang parcel na naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto.
Napag-alamang empleyado ng pamahalaang panlalawigan ang suspek.
Kasalukuyan nang nakakulong si alyas Bryan at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Discussion about this post