Arestado nitong weekend ang isang 24-anyos na binata sa bayan ng San Agustin, Romblon matapos mabilhan di umano ng ipinagbabawal na droga ng mga operatiba ng pulisya.
Ang suspek na kinilalang si Alias Boy KC ay residente ng Doña Juana.
Batay sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, nabilhan di umano ang suspek ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000.
Nang magkaabutan ng pera at iligal na droga, dito umano agad na inaresto ang suspek.
Nakakulong na ngayon ang suspek at posibleng maharap sa kasong paglabag sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Wala itong pahayag.


































