Nagbigay ng computer tablets at WiFi routers ang Department of Science and Technology MIMAROPA sa pangunguna ng DOST Romblon sa tatlong paaralan sa bayan ng Odiongan bilang tulong sa pag-aaral ng mga estudyanteng nasa ilalim ng Special Needs Education (SNED) curriculum.
Ang nasabing device ay equipped ng DOST STARBOOKS program, isang digital library na magagamit ng mga estudyante sa pagintindi ng science, technology, mathetmatics at engineering.
Personal na ipinagkaloob ni DOST Romblon Chief Lina Servañez ang mga gamit kasama na ang school supplies para sa 103 SNED students na nag-aaral sa mga paaralan ng Odiongan National High School, Odiongan South Central Elementary School at sa Odiongan North Central Elementary School.
Ang nasabing intervention ay bahagi ng Smart, Sustainable Communities Program o SSCP na inilunsad sa nabanggit na bayan.
Discussion about this post