Wagi sa katatapos lang na election sa Barangay sa Liwanag, Odiongan, Romblon si Luis Fabic, asawa ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Tinalo ni Fabic sa mahigit 100 boto ang kalaban nitong anak ni incumbent baranagay captain Manuel Ornum.
Sa isang panayam sa Romblon News Network bago ang eleksyon, sinabi ni Fabic na tutukan niya ang mga programang kailangan ng kanilang barangay kagaya ng pagpapaganda at pagpapanatili ng Barangay Liwanag.
Tutukan rin nito ang siguridad at katahimikan ng barangay sa pamamagitan ng paglalagay ng karagdagang mga ilaw, karagdagang mga CCTVs, at iba pa.
Hindi rin umano na bigyan ng atensyon ang mga senior citizens, persons with disabilities, at mga single parents.