Simula Lunes, February 27, ay sasabak na sa trabaho ang mahigit isang daan na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Banton Island, Romblon.
Ayon kay Public Employment Services Office Manager Emie Liza Ferrancullo, nagsagawa na ng orientation ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 114 na benepisyaryo ng programa noong February 23.
Labing-limang araw magtatrabaho ang mga benepisyaryo sa LGU at sa mga barangay para maglinis ng kalsada, at kanal, o di kaya iba pang trabaho na iaatas sa kanila.
Hanggang P5325 ang puwedeng kitain ng mga benepisyaryo na magtatrabaho sa nasabing programa.
Ang TUPAD ay isa lamang sa mga programa ng Department of Labor and Employment na naglalayong mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino.


































