Tiklo sa kamay ng kapulisan nitong Huwebes ang lalaking may kaso sa droga na tumakas habang ipinapa-medical sa Oriental Mindoro Provincial Hospital noong ika-9 ng Oktubre.
Ang suspek ay kinilalang si Kenneth Gutierrez Rabino, 22.
Si Rabino ay naaresto sa bahay ng kanyang Lolo sa Sitio Tahik, Brgy. Burbuli bayan ng Baco dakong alas-10 ng umaga.
Nakakulong si Rabino dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Firearms and Ammunition Regulations Act.
Pansamantalang nasa pangangalaga pa ngayon si Rabino sa Baco Municipal Police Station habang kinukuhanan pa ito ng iba pang kaukulang impormasyon sa ginawa nitong pagtakas bago ilipat sa Provincial Detention Center Management Division.