• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Sunday, October 25, 2026
28 °c
Romblon
29 ° Mon
28 ° Tue
28 ° Wed
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Contractor at DPWH, ipatatawag ng konseho ng Cajidiocan sa isyu ng mga sheet pile

    Contractor at DPWH, ipatatawag ng konseho ng Cajidiocan sa isyu ng mga sheet pile

    Mahigit 500 balde ng food packs mula PAGCOR, ipinamahagi sa mga senior citizen ng Corcuera

    Mahigit 500 balde ng food packs mula PAGCOR, ipinamahagi sa mga senior citizen ng Corcuera

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Rider sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Odiongan

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Magkainuman sa San Andres, nagtagaan

    Ika-82 anibersaryo ng Battle of Sibuyan Sea, ginunita sa Alcantara

    Ika-82 anibersaryo ng Battle of Sibuyan Sea, ginunita sa Alcantara

    Dagdag na seguridad laban sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan, hiniling ng SP Romblon

    Dagdag na seguridad laban sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan, hiniling ng SP Romblon

    Gaytano, isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan sa Looc

    Gaytano, isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan sa Looc

    PBBM, hinimok mga LGU na ipagpatuloy ang paglikha ng makabagong solusyon para sa komunidad

    PBBM, hinimok mga LGU na ipagpatuloy ang paglikha ng makabagong solusyon para sa komunidad

    DILG MIMAROPA, nilinaw ang pagpaparada ng mga sasakyan sa parking area ng PEGASUS

    DILG MIMAROPA, nilinaw ang pagpaparada ng mga sasakyan sa parking area ng PEGASUS

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
29 ° Mon
28 ° Tue
28 ° Wed
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Regional News Occidental Mindoro

11 Building Blocks workshop para sa mga katutubo, sinimulan na

Voltaire DequinabyVoltaire Dequina
September 26, 2022
in Occidental Mindoro
Reading Time: 12 mins read
23
0
11 Building Blocks workshop para sa mga katutubo, sinimulan na
Share on FacebookShare on Twitter

Isinagawa ng National Commission on Indigenous Peoples MIMAROPA nitong ika-22 ng Setyembre, ang dalawang araw na pagtuturo at workshop ng mga katutubo at iba pang stakeholders, para sa pagsasakatuparan ng 11 Building Blocks, na ginanap sa Provincial Evacuation Center sa bayan ng Mamburao.

Ang 11 Building Blocks ay stratehiya ng pamahalaan sa ilalim ng Whole of Nation Approach, upang matiyak ang proteksyon at promosyon ng kagalingan ng mga katutubo at kanilang mga karapatan.

Ayon kay Datu Bawan Jake Lanes, Executive Director ng Mindanao Indigenous Peoples Council for Elders and Leaders, layon ng aktibidad na maipaunawa na ang Building Blocks ang susi upang ang mga katutubo ay makapagbigay ng ambag sa pag-unlad ng bansa; tumugon sa mga programa ng pamahalaan lalo na ang may kaugnayan sa usaping kapayapaan, pag-unlad at pagkakaisa; at gawing matatag laban sa iba't ibang hamon ang kanilang mga pamayanan.

Ipinaliwanag naman ni Julito Garcia, Provincial Officer ng Panlalawigang Tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), na halaw sa mga probisyon ng Republic Act 8371 o ang Indigenous Peoples Rights Acts (IPRA) ang 11 Building Blocks. “Nakatitiyak ang mga katutubo na para sa kanilang kapakanan at karapatan ang magiging buod ng workshop,” ani Garcia. Ayon pa dito, isa sa mahalagang laman ng 11 Building Blocks ang Indigenous Political Structure, kung saan kailangangang tukuyin, alamin at ihayag ng mga katutubo ang mga matatanda sa kanilang pamayanan na pagmumulan ng kwento ng kanilang pagiging katutubo. At bilang Elder ng pamayanan, dagdag ni Garcia, kasama sa responsibilidad ng mga ito ang magdesisyon sa mga maseselang usapin ng kanilang tribo.

Kabilang sa 11 Building Blocks ay ang Registration and accreditation of Indigenous Peoples Organizations (IPO); Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) and Certificate of Ancestral Land Title (CALT) delineation process; Establishment of Ancestral Domain Management Office (ADMO); Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan (ADSDPP) formulation; IP Wealth Management-Community Resource Management Development Plan (CRMDP) Formulation; Institutionalization of Certificate of Precondition (CP), Free, Prior and Informed Consent (FPIC), and Exercise of Priority Rights (EPR); Effective Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) in the local legislative bodies; Efficient and enhanced MOA/MOU/MOC formulation; Socio-economic activities with IP cooperatives; at ang Ancestral Domain Defense System.

Samantala, binigyang-diin naman ni Board Member Juanito Lumawig, Provincial Indigenous Peoples Mandatory Representative, na ang ginaganap na aktibidad ay sagrado para sa kanilang mga katutubo. Naniniwala ang opisyal na malaki ang maitutulong nito sa kanilang sektor upang tuluyang makamit ng kanilang pamayanan ang kapasidad para sa self-governance, sa ilalim ng pangangalaga ng gobyerno. Inaasahan din ni Lumawig na sa pamamagitan ng gawain ay maipararating nila ang kanilang mga saloobin, pangangailangan at hinaing sa pamahalaan.

Tinawag na Healing, Reconciliation and Operationalizing the 11 Building Blocks in the Ancestral Domain in support to the Whole of Government, ang aktibidad ay pinangunahan ng NCIP at dinaluhan ng iba’t ibang ahensya, lider-katutubo, mga kabataan, at former rebels. Bahagi pa rin ng nabanggit na aktibidad ang pagbisita ng stakeholders bukas, Setyembre 24, sa ilang pamayanan ng mga katutubo sa Sta Cruz at San Jose upang makita ang tunay na kalagayan ng mga ito.

Related Posts

Halos P6-bilyong halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Occidental Mindoro

Halos P6-bilyong halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Occidental Mindoro

March 14, 2026
Occidental Mindoro LGUs, nanawagan ng imbestigasyon sa pagbagsak ng flood control projects

Occidental Mindoro LGUs, nanawagan ng imbestigasyon sa pagbagsak ng flood control projects

August 23, 2025

Popular Stories

  • HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

    HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

    2078 shares
    Share 831 Tweet 520
  • Hataw Shopping Center sa Odiongan, ‘Good to Go’ na sa November 13

    51 shares
    Share 20 Tweet 13
  • Bagyong ROSAL, lumabas na sa PAR

    19 shares
    Share 8 Tweet 5
  • 1.93 Milyong pasahero, inaasahang daraan sa mga pantalan ngayong UNDAS

    22 shares
    Share 9 Tweet 6
  • Magkainuman sa San Andres, nagtagaan

    13 shares
    Share 5 Tweet 3
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

DOLE, nagbabala sa mga kumpanyang sapilitang pinasasayaw ang empleyado sa Christmas party

Anim na mangingisda, arestado dahil sa paggamit ng compressor

16 College grads sa Looc, tumanggap ng ₱2,000 educational assistance

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up