Isang araw bago ang deadline ng paghahain ng certificate of candidacy (COC), naghain ang tatlong aspirants sa pagiging miyembro ng Sangguniang Bayan ng Odiongan, Romblon sa opisina ng Comelec.
Unang naghain si Jose Thadeus Fausto o mas kilalang Deo bilang independent.
Sinundan ito ng dating Local Civil Registrar ng bayan ng Odiongan na si Abundio Rafael na tatakbo ring independent.
Huling naghain ng kandidatura ngayong araw sa bayan ng Odiongan ang dating hepe ng Odiongan Municipal Police Station na si Manuel Fernandez Jr. na tatakbo sa ilalim ng tiket ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Ayon kay election officer Dennis Serveñez, bukas na ang huling araw ng filing ng coc kaya pinapayuhan niya ang mga nais pang mag-file na kompletuhin na ang mga requirements bago tumungo sa opisina ng Comelec upang mapabilis ang proseso ng paghahain ng mga COCs.