Matatapos na ngayong araw, Hulyo 23, ang pagpaparehistro ng mga botante para sa gaganaping Sangguniang Kabataan (SK) at Barangay Election sa Disyembre 2022.
Ito ay batay sa Republic Act No. 8189, na nagbabawal sa pagtatala ng mga bagong botante 120 na araw bago ang eleksyon.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), binuksan nila ang pagpapatala sa mga bagong botante noong July 4.
Sinabi rin ng Comelec na target lamang nila ay one million Filipinos ang mga bagong magpapatala, ngunit umabot na noong Huwebes, July 21, sa 2,119,878 ang kanilang bilang.
Base sa guidelinse ng Comelec, ang mga edad 15 hanggang 30 ay makakapag boto sa SK elections, at 18 naman pataas ang makakaboto sa barangay elections.