Arestado kanina sa isang operasyon sa Cainta, Rizal ang babaeng may kasong Qualified Trafficking in Person sa lalawigan ng Romblon noon pang 2013.
Kinilala ng Romblon Police Provincial Office ang naarestong suspek na si Isidra Feliciano Obrique, 42.
Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch ng Romblon PPO, kasama ang mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station at Cainta Municipal Police Station.
Ayon sa mga otoridad, si Obrique ay may warrant of arrest dahil sa nabanggit na kaso na nilabas ng Regional Trial Court Branch 82 noong April 2013.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Cainta Municipal Police Station at inaasahang ibabiyahe pabalik ng Romblon para iharap sa korte.
Walang piyansa ang kaso ng suspek.