Sa isang lamayan namatay ang isang matandang lalaki sa bayan ng Romblon, Romblon nitong Linggo ng gabi matapos itong makuryente habang naglalamay.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Rodolfo Clariza, 66-taong gulang, residente ng Barangay Alad.
Ayon sa imbestigasyon ng Romblon Municipal Police Station, nakikipaglamay sa isang patay ang biktima kasama ang kanyang live-in partner sa Sitio Lamao nang mangyari ang aksidente.
Pauwi na sana silang dalawa nang mapansin ng live-in partner ni Clariza na nakahilig ang biktima sa upuan at hawak-hawak ang kanyang puso habang nakadikit sa isang bukas na electric wire.
Agad na isinugod sa Romblon District Hosptial si Clariza ngunit idineklara itong dead on arrival.
Ayon sa medical report, lumalabas na namatay dahil sa cardio pulmonary arrest secondary to electric shock ang biktima.