Nagpatupad na ng red alert status ang buong kapulisan sa Romblon bilang paghahanda sa paggunita ng All Saint’s Day at All Soul’s Day ngayong taon.
Ayon kay Police Col. Arvin Molina, ipinag-utos niya na sa mga municipal police stations na higpitan ang pagbabantay upang hindi makapanggulo ang mga kriminal sa araw mismo ng UNDAS.
Kabilang sa babantayan ng mga kapulisan ay ang mga transport terminals, sementeryo, simbahan, at ilan pang matataong lugar.
Magkakaroon rin ng bantay na mga kapulisan ang iba’t ibang sementeryo sa lalawigan para masiguro ng kapulisan na ligtas ang mga bibista ng sementeryo.
Bukas umano ang hotline ng iba’t ibang opisina ng kapulisan para sa mga sumbong at reklamo.