Ginanap nitong Biyernes, October 18, ang ika-4 na State of the Municipal Address ni Concepcion, Romblon mayor Medrito Fabreag Jr. sa Public Plaza ng bayan.
Ibinida ni Fabreag ang mga nagawa ng kanyang administrasyon simula noong siya ay maupo noong 2016 bilang alkalde hanggang sa unang 100 araw niya na maupo sa parehong pwesto ngayong 2019.
Pinakita rin ni Fabreag sa mga dumalo ang mga sinimulan ng proyekto sa bayan katulad ng pagpa-pasemento ng Barangay San Vicente-Dalajican road na nagkakahalaga ng 100 million pesos.
Sa talumpati rin ni Fabreag, ibinida nito na ang bayan ng Concepcion ay naideklaran drug-cleared province sa kanyang panahon.
Si Fabreag ang kauna-unahang opisyal na nagsagawa ng State of the Municipal Address ngayong taon sa probinsya.