Nakapagtala ng aabot sa 48.65% ang Romblon State University sa katatapos lang na September 2019 Electrical Engineer Licensure Examination batay sa datus ng Professional Regulation Commission (PRC) na nilabas nitong Biyernes ng gabi.
Labinwalo (18) sa tatlumpu't pito (37) na graduate ng Bachelor of Science in Electrial Engineering sa RSU-College of Engineering and Technology na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa.
Kinilala ang mga bagong Registered Electrical Engineers na sina Engr. Brian Falculan Alubog, Engr. Charles Dennis Vergara Balderas, Engr. Christian Joy Alfaro David, Engr. Gerald Rivas David, Engr. Reniel Ferriol Fabro, Engr. Paul John Morada Famero, Engr. Brendo Lariza Fetalco, Engr. Grant Alvin Fortu Feudo, Engr. James Martin Firma, Engr. Fay Francisco Fornal, Engr. Pedmar Ramilo Frojo, Engr. Crizlyn Mae Gabayno Fronda, Engr. Paulo Feliciano Fruelda, Engr. Rommel Gaspar Madalang, Engr. Nolan Jake Dela Austria Perez, Engr. Loumell Bahian Rada, Engr. Genand Escarilla Umban, at Engr. Japhet Celzo Valentin.
Sinasabi rin sa datus ng PRC na sa 21 na first time kumuha ng exam, 15 rito ay nakapasa o 71.43%.
Samantala, lima (5) sa siyam (9) na kumuha ng pagsusulit para sa Registered Master Electricians ang nakapasa rin.
Ginanap ang pagsusulit sa mga lugar ng Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Tacloban at sa Zamboanga nitong katapusan ng Agosto at unang linggo ng Setyembre.



































