Ramdam hanggang Concepcion, Romblon ang magnitude 2.9 na lindol na yumanig sa San Juan, Batangas bandang 1:25 ngayong hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala nila sa layong 29km southeast ng San Juan, Batangas.
Ang lindol ay galing sa tectonic at may lalim na 6km.
ADVERTISEMENT
Ramdam rin sa Oriental Mindoro ang lindol, naitala ang Intensity I sa Puero Galera, at Calapan City sa Oriental Mindoro.
Wala namang inaasahang damage at aftershock ang nasabing pagyanig.