• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, October 9, 2026
27 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    BJMP Romblon, lilimitahan ang outdoor activities ng PDL sakaling maging matindi ang init ng araw

    BJMP Romblon, lilimitahan ang outdoor activities ng PDL sakaling maging matindi ang init ng araw

    BJMP Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño

    BJMP Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño

    Bumagsak sa San Agustin, posibleng drone ayon sa Coast Guard

    Revised PCG Bill, inaprubahan sa Third and Final Reading sa Kamara

    Rice subsidy, ipinamahagi sa mahigit 700 benepisyaryo sa Alcantara

    Rice subsidy, ipinamahagi sa mahigit 700 benepisyaryo sa Alcantara

    Pagkamatay ng ilang isda, naitala din sa baybayin ng Barangay Balogo sa Calatrava

    Pagkamatay ng ilang isda, naitala din sa baybayin ng Barangay Balogo sa Calatrava

    Mahigit 1,000 graduating students ng RSU, sumalang sa career skills enhancement

    Mahigit 1,000 graduating students ng RSU, sumalang sa career skills enhancement

    SP Irene Morgado, hinikayat ang Romblon cooperatives na palakasin ang pagkakaisa at magbahagi ng solusyon

    SP Irene Morgado, hinikayat ang Romblon cooperatives na palakasin ang pagkakaisa at magbahagi ng solusyon

    CDA hinikayat ang Romblon cooperatives na palakasin ang tiwala at partisipasyon ng mga miyembro

    CDA hinikayat ang Romblon cooperatives na palakasin ang tiwala at partisipasyon ng mga miyembro

    VG Gutierrez, hinikayat ang mga kooperatiba sa Romblon na maghanap ng grants at income-generating projects

    VG Gutierrez, hinikayat ang mga kooperatiba sa Romblon na maghanap ng grants at income-generating projects

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
27 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Year of the Baboy and babuyan?

Romblon NewsbyRomblon News
January 7, 2019 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 16 mins read
11
0
U_Spy: Year of the Baboy and babuyan?
Share on FacebookShare on Twitter

Sabi ng ilang Feng Shui expert , Year of the Pig ang 2019 batay sa Chinese Zodiac at magiging mas maganda raw ang taon ngayon kumpara sa nakaraang 2918 na Year of the Dog. Pero tanong ng ating kurimaw na mapamahiin, maging taon din kaya nang babuyan ngayon?

Kahit pang-Chinese ang Fen Shui, maraming Pinoy ang naniniwala at sumusunod dito. Katunayan, kahit kapus sa badget, maraming Pinoy ang nagiging mahilig sa bilog na prutas na ihahanda sa pagsalubong sa bagong taon dahil suwerte raw. Pero dapat bang sundin na ngayong Enero ang mga sinasabing pampabuwenas gayung sa Pebrero pa kung tutuusin ang New Year ng mga Intsik?

Kaya hindi rin natin masisisi ang ating kurimaw na mag-isip kung marami ang magbababuyan ngayong taon. Bukod nga kasi sa ito ay Year of the Pig, nataon din na election year [mid-term elections]. At alam naman natin kapag eleksyon, may mga kandidato na barubal sa kampanya, lokal man o nasyunal, na gagawa ng kung anu-anong maruming taktika para manalo.

Ngayon pa nga lang, ilang mga kakandidato na ang pinatay at hindi inaalis ng mga awtoridad ang anggulong pulitika sa kanilang kaso. Ang mahirap nga lang sa ganitong mga kaso, hindi natutukoy madalas ang mastermind dahil mga inuupahan lang na hired killers na tumitira sa mga biktima.

Mauutak na rin ang mga “utak” sa krimen, bakit nga naman sila mag-uutos sa kanilang mga “tauhan” na ipapatay ang kanilang kalaban gayung may mga “for hire” naman. Kung pumalpak nga naman si “tauhan” o kaya ay mahuli, madaling maiuugnay kay “mastermind” ang krimen. Samantalang kung uupa sila ng papatay, may kakausap lang dito na hindi konektado kay “mastermind” at gagawin siguro ng kuwento si biktima para gamiting basehan para ipatumba.

Kapag nagtagumpay si “hired killer” na maitumba si biktima, uutusan naman ngayon ni “mastermind” si “tauhan” na “patahimikin” na rin si “hired killer” para wala nang makaalam sa ginawa nilang krimen. Aba’y parang istorya sa teleserye o pelikula ‘di ba mga tsong?

Karaniwan sa mga lokal na posisyon nangyayari ang tumbahan ng mga kandidato, sa nasyunal gaya ng mga senador, aba’y siraan at intrigahan lang ang uso. Dito kadalasang nangyayari ang babuyan lalo na ngayon na uso ang social media.

Noon na wala pa ang social media, uso ang mga “white paper” o mga paninira o intriga sa mga kandidato na ipinapadala sa mga mamamahayag. May mga pananabotahe rin na ginagawa sa mga kandidato na nakaalerto sa ilang media kaya madaling lumalabas sa balita. Pero ngayong may social media na, naku po! mas madali ang manira at mambaboy.

Larawan lang ng kandidato na ie-edit o ipo-photoshop para palabasin kunwari na plastik ang pagkatao o may hindi magandang ginagawa ang kandidato, tiyak na marami ang maniniwala. Ang problema kasi ngayon, bukod sa mahirap malaman kung inedit ba ang larawan, maraming netizens ang “funny” as in paniwalain gaya ng isang dating secretary na babalik naman sa mababang kapulungan.

Kung tama ang ating kurimaw baka magkababuyan ngayon taon, kaya ba naging maingay at maraming talakan sa pulitika noong 2018 eh dahil sa Year of the Dog, na kahol nang kahol? Eh papaano kung Year of the Monkey, maraming ungguyan o lokohang magaganap? Marami kayang mag-aaway na parang nagsasabong kapag Year of the Rooster? Eh doon sa ibang zodiac signs kaya?

Magandang abangan kung sinu-sino ang mga kandidato ang ipinanganak sa Years of the Rabbit, Monkey, at Rat na sinasabing pinakamasuwerte raw ngayong Year of the Pig? Manalo kaya sila kahit hindi sila lumalabas sa mga survey? At mayroon kaya sa mga kandidato na gagamit sa kanilang kampanya o magsusuot ng uniporme na kulay pula, dilaw o berde, na sinasabing buwenas na kulay ngayong taon? Tingnan natin lalo pa’t magsisimula na ang kampanya.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!
(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Barangay Kapitan sa Romblon, sinuspinde dahil sa simple misconduct

    Barangay Kapitan sa Romblon, sinuspinde dahil sa simple misconduct

    1327 shares
    Share 549 Tweet 324
  • Pagkamatay ng ilang isda, naitala din sa baybayin ng Barangay Balogo sa Calatrava

    47 shares
    Share 19 Tweet 12
  • Sibuyan District Hospital, kinondena ang insidente ng sigawan at pagmumura sa loob ng pasilidad

    676 shares
    Share 270 Tweet 169
  • Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

    297 shares
    Share 119 Tweet 74
  • Mahigit 1,000 graduating students ng RSU, sumalang sa career skills enhancement

    18 shares
    Share 7 Tweet 5
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

KWF, kikilalanin ang ortograpiya ng tatlong wika ng Romblon

DTI Romblon, magsasagawa ng In-store Diskwento Caravan sa 7 bayan sa October 9-10

TRENDING FOR THE MONTH

Mobile Journalism, opisyal nang kategorya sa Division Schools Press Conference

Lolo, patay sa pamamaril sa Santa Fe, Romblon

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up