Kinilala bilang Best Online Media Network sa MIMAROPA ang Odiongan based online social news network na, Romblon News Network (RNN), sa katatapos lang na 3rd Regional Gawad Listahanan awarding ceremony na ginanap sa Odiongan, Romblon nitong Martes, November 27.
Tinanggap ang parangal ni RNN Founder at Senior News Correpondent Paul Jaysent Fos.
Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – MIMAROPA na ang nasabing pagkilal ay pinagkaloob sa RNN dahil sa pagtulong nito sa DSWD na ipaalam sa publiko ang mga programa, aktibidad, at accomplishments ng departamento.
Sa isang pahayag ni Fos, sinabi nito na hindi magsasawa ang RNN na ipaalam sa publiko ang dapat nilang malaman patungkol sa programa at atkbidad ng DSWD magmula sa kaalaman patungkol sa 4Ps, Listahanan, at iba pa.
Ang Listahanan o kilala ring National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ay isang information management system kung saan pwedeng malaman ang mga miyembro ng poorest sector at kanilang mga lugar.
Malaking tulong umano ito sa national government agencies, at local government units sa pagtukoy ng posible nilang beneficiaries sa kanilang mga programa.