Kakaibang mga costume ang tampok ngayong taon sa ginaganap na Halloween Party sa Sitio Punta, Barangay Poblacion, Ferrol, Romblon ngayong gabi.
Rumampa sa gitna ng court ang mga kabataang kalahok sa nasabing Halloween Party suot ang kani-kanilang mga costumes. May babaeng nagkunyaring isang white lady, meron namang lalaking tila wasak ang tiyan, at isang lalaking tila putol ang ulo.
Ayon sa mga residente ng Sitio Punta, taon-taon silang nagsasagawa ng Halloween Party sa bayan tuwing sasapit ang UNDAS.
Inaasahang makakatanggap ng cash price ang kalahok na itatanghal na may pinakamagandang Halloween Costume.