Naaresto na sa Antipolo City makalipas ang mahigit 10 taon ang isang lalaking wanted sa Romblon dahil sa kasong murder.
Kinilala ang suspek na si Climaco Balentoza Malunes Jr., 39 anyos at residente ng Barangay Dela Paz, Antipolo City, Rizal.
Ang operasyon para mahuli si Malunes ay kinasa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch ng Romblon PPO sa pangunguna ni SPO3 Allan Fruelda, CIDG-Romblon sa pangunguna ni PO3 Joseph Inducel, at ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Kenneth Ding Gutierrez.
Naaresto si Malunes sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ni Judge Franciso Fanlo Jr. ng Regional Trial Court Branch 82 noong taong 2003 dahil sa kasong murder.
Dinala na pabalik sa Odiongan ang suspek at kasalukuyang nakakulong na sa Odiongan Municipal Police Station.
Walang piyansa ang kaso ni Malunes.