Isa ang sugatan matapos mauwi sa pananaksak ang pagtatalo ng dalawang lasing sa Barangay Lamao, Romblon, Romblon nitong hapon ng Linggo.
Batay sa police report, parehong lasing ang biktimang si Michael Magada Largueza, 32; at ang suspek na si Raul Sabigan Ganan, 44, nang magkasalubong ang dalawa at magtalo sa isang bagay.
Dahil sa kalasingan, nauwi sa pag-aaway ang kanilang pagtatalo hanggang sa bumunot umano ng kitchen knife si Ganan at sinaksak sa dibdib ang biktimang si Largueza.
Agad namang tumakas si Ganan matapos ang krimen samantalang si Largueza ay isinugod sa Romblon District Hospital para ipagamot.
Sa follow-up operation ng Romblon Municipal Police Station, naaresto ang suspek sa kanilang bahay at ngayo’y nakakulong na para harapin ang kaukulang kaso.