Eksaktong alas-3 ng hapon ng isara ng mga Commission on Elections (Comelec) ang botohan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa buong Pilipinas.
Sa Romblon, nagbukas ang botohan sa mga precincts pasado alas-7 ng umaga at nagsara rin ng alas-3 ng hapon kasabay ng ibang probinsya.
Ayon sa COMELEC-Romblon, naging matagumpay ang naging halalan sa bawa’t barangay sa buong lalawigan ngayong araw.
ADVERTISEMENT
Sinabi pa ng COMELEC na may resulta na rin umano ang Barangay at Sangguniang Kabataan election sa halos buong probinsya.