Wagi sa ginanap na Mr and Miss Hannah’s World Tourism Philippines 2018 ang tubong Alcantara, Romblon na si Jane Nicole Miñano.
Dala ni Miñano ang lungsod ng Caloocan ng ito ay lumaban nitong Sabado, May 12, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.
Si Nicole ang kauna-unahang itinanghal na Miss Hannah’s World Tourism Philippines at inaasahang unang Pinay na magiging representative ng bansa sa gaganaping Miss Hannah’s World Tourism 2018 sa darating na September.
Ilan sa mga judge ng nasabing kompetisyon ay sina Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray, Miss Thailand Earth 2017 Paweensuda Drouin, Peachy Veneracion ng Miss Earth at Miss Earth Philippines, Hemilyn Escudero-Tamayo ng Mutya ng Pilipinas, basketball star Ricci Rivero at Col. Ricardo L. Nolasco Jr. ng Hannah’s Beach Resort and Convention Center.
Samantala, itinanghal rin si George Reylor de Lumen ng Marikina City bilang Mr Hannah’s World Tourism Philippines 2018.