Inirereklamo ng ilang netizens sa Odiongan, Romblon ang walang habas na paglalagay sa puno ng poster ng ilang kumakandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Sa isang concern citizen na nagpadala sa Romblon News Network, sinabi nito na taliwas ito sa mga nababasa niya at naririnig sa balita kung saan ba dapat naglalagay lamang ng campaign materials.
Ayon kasi sa COMELEC Resolution na nilabas noong April 11, ipinagbabawal na maglagay ng campaign poster sa mga sumusunod na lugar:
- Trees
- Light posts
- Electrical wires
- Schools
- Waiting sheds
- Sidewalks
- Traffic signs
- Bridges
- Barangay Halls
- Health centers
- Public shrines
- Public transport terminals
- Airports
- Seaports
- Government patrol cars, ambulances
- Trains and their stations
- Overpasses and underpasses
- Center islands
- Public announcement boards
Kung mapatunayang nagkasala maaring makulong ang nasabing kandidato ng isang taon hanggang 6 na taon, ayon sa Commission on Elections.



































