Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ngayong araw na sa darating na June 04 ang opisyal na pagbabalik sa paaralan ng mga mag-aaral na nag-aaral sa Public Schools sa buong bansa kasama ang Romblon.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, kanilang bubuksan rin simula “Oplan Balik Eskwela 2018” o OBE sa darating na May 21 hanggang June 8 para bantayan ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante.
Inaasahan ring sa mga panahong ito ilulunsad ang mga Brigada Eskwela sa iba’t ibang paaralan sa probinsya.
Nagpapaala rin ang Department of Education na hindi naninigil ng tuition fees ang mga public schools sa buong bansa.