Dagsa nas sa Batangas Port simula pa kahapon ang mga pasaherong pauwi ng Romblon, Mindoro, at Visayas para pumila at makasakay sa mga barko ngayong Huwebes Santo, March 29.
Ayon sa ilang netizens na nasa Batangas Port, alas-2 palang umano ng madaling araw ay nasa pantalan na sila at halos 4 na oras na nagtiis sa pila ng ticket sa barko na patungong Calapan City.
Fully booked na rin ang mga barko na patungong Romblon ngayong araw.
Samantala, dagsa rin ang mga pasahero sa mga bus terminal ng DLTB Bus sa Gil Puyat Ave sa Pasay City kung saan maraming sumasakay na pasahero patungong Batangas Port at ilang probinsya sa Southern Luzon at Visayas.
Payo ng mga otoridad sa mga babiyahe, mas agahan pa umano ang pagpunta sa mga terminal para makasigurong makakasakay sa barko man o sa bus.