• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Sunday, October 18, 2026
29 °c
Romblon
29 ° Mon
29 ° Tue
29 ° Wed
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DNA test, kumumpirma sa isang Romblomanon bilang isa sa mga nasawi sa M/V June Aster

    Mga kasong kriminal at anti-graft, pinag-aaralan laban sa may-ari at tripulante ng MV June Aster

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    Kooperatiba, daan sa pangmatagalang kabuhayan ng mga pamilyang Romblomanon

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    SP Morgado, hinikayat ang kabataan at mga sektor na sumali sa kooperatiba

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    NIA, nakipag-ugnayan sa DA, DILG at DSWD para sa tulong sa mga magsasaka sa panahon ng El Niño

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

    NIA, magpapatupad ng rotational water delivery kung bababa ang suplay ng tubig-irigasyon

    NIA Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa 500 ektaryang sakahan

    NIA Romblon, naghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa 500 ektaryang sakahan

    Tatlong mangingisda sa Santa Fe, tumanggap ng bangkang pangkabuhayan mula DOLE

    Tatlong mangingisda sa Santa Fe, tumanggap ng bangkang pangkabuhayan mula DOLE

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
29 °c
Romblon
29 ° Mon
29 ° Tue
29 ° Wed
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Ang kaso ni PNoy

Romblon NewsbyRomblon News
November 12, 2017 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 15 mins read
10
0
81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara
Share on FacebookShare on Twitter

Gaya ng inaasahan, iniakyat ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang reklamong graft at usurpation of official functions laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa naging madugong Mamasapano operation sa Maguindanao noong 2015 para tugisin ang mapanganib na teroristang si Zulkifli Bin Hir alias Marwan.

Sa isang banda, maganda ang ginawa ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso laban kay Noynoy dahil ipinakita nila na bilang korte na tagausig sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan, eh wala silang kinikilingan

Sa totoo lang, kung nagpasya ang Ombudsman na ibasura kaagad ang reklamo, aba’y tiyak na katakot-takot na banat at batikos ang aabutin ng anti-graft court mula sa mga kritiko ni PNoy at Liberal Party, lalo na doon sa mga politikong nakapuwesto ngayon na may malalim na “hugot” o may tanim na galit sa dating pangulo.

Alalahanin natin na si Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay naitalaga sa kaniyang puwesto sa panahon ng termino ni PNoy; at ngayon ay yinuyugyog ang ale ng ilang politiko para malaglag siya sa kaniyang upuan.

Sabi nga ng ating kurimaw na magsasago sa kanto, dapat suriin din kung sino ang mga taong nasa likod ng isinampang kaso laban kay PNoy at makikita ang sagot sa tanong na one plus one equals Magellan.

Gayunman, tiwala ang kampo at mga tagasuporta ni PNoy na maidedepensa nito ang sarili kapag nilitis na ng Sandiganbayan ang kaniyang kaso. Kahit nga si Pangulong Rodrigo Duterte, naniniwalang mahina ang kaso at inayunan pa niya ang pananaw ng kritiko niyang si Senador Antonio Trillanes IV.

Aba’y magiging bad precedent nga naman o maling halimbawa na parusahan mo ang isang pangulo o commander in chief sa kasalanan na wala naman sa siyang control. Kung palpak nga naman na maituturing ang Mamasapano operation dahil 44 na pulis ang nasawi kahit napatay ang target na si Marwan, aba’y ang pananagutan nito ay dapat nasa opisyal na namahala sa misyon—si PNP Special Action Forces director Getulio Napeñas.

Kung nagbibigay man ng impormasyon si Napeñas sa kaniyang dating Philippine National Police chief na si Alan Purisima, kahit suspindido, aba’y sa kanilang dalawa lang iyon at labas si Noynoy dahil wala namang utos sa kaniya ang dating pangulo na gawin iyon.

Bilang pangulo nga naman, at dahil kilala at kaibigan niya si Purisima, natural lang na hingan din niya ito ng opinyon tungkol sa misyon lalo pa’t malawak ang kaalaman ng opisyal sa naturang usapin at kaniyang pinagkakatiwalaan.

Pero inatasan ba ni PNoy si Purisima na pamahalaan ang misyon kahit suspindido? Hindi, ang sabi ng dating pangulo.

Dating sundalo si Trillanes kaya batid niya ang kahalagahan ng pagsunod sa utos ng kanilang commander in chief lalo na kung para iyon sa bansa at walang nilalabag na batas. Kaya nga para sa kaniya, kung mayroon dapat managot sa nangyari sa operasyon, iyon ay si Napeñas.

Aba’y malaki nga namang problema sa mga susunod na pangulo kung sakaling mahatulang guilty si PNoy sa kaniyang kaso dahil ang desisyon na iyon ay magagamit na batayan sa hinaharap na puwedeng kasuhan ang mga pangulo sa mga misyon ng militar at pulisya na pumalpak, na kanilang binigyan ng pahintulot na isakatuparan.

Pero matagal pa naman ang pagdinig niyan mga tsong. Maliban sa Sandiganbayan, maaari pang iapela ang magiging desisyon tungkol diyan sa Court of Appeal, at nandyan pa ang Korte Suprema. Ang sabi nga komiks…abangan ang susunod na kabanata.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko pero mas madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    Dalawa sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Odiongan

    439 shares
    Share 176 Tweet 110
  • Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

    1171 shares
    Share 468 Tweet 293
  • Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    4374 shares
    Share 1750 Tweet 1094
  • Duguang sekyu, nakahingi pa ng tulong bago muling habulin ng suspek sa RSU San Andres

    936 shares
    Share 374 Tweet 234
  • San Andres police, pinalalakas ang kampanya laban sa karahasan

    139 shares
    Share 56 Tweet 35
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Walong indibidwal, nasagip matapos masiraan ng bangka sa karagatan ng Corcuera

IPMR ng Calatrava, ipinagtanggol ang patas na pagbatikos kay Madrona sa gitna ng mga alegasyon

Printwise, nagbukas ng bagong branch sa Odiongan sa tulong ng DOLE at DOST

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up