{googleads center}
Arestado sa buy-bust operation ng Coron Municipal Police Station at ng RPSB 1st Maneuver Company ang isang Barangay Kagawad sa Coron, Palawan nitong gabi ng September 27.
Kinilala ni Police Chief Supt. Imelda Tolentino ang target ng operasyon na si Roger ‘Macmac’ Gacayan, 40 taong gulang, barangay kagawad ng Barangay Decalachao ng nabanggit na bayan.
Nabilhan umano ang suspek ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.
Sa ginawang body search sa suspek, nakuha umano sa kanya ang aabot sa 17 sachets na may lamang shabu, 1,000 bill na ginamit na buy-bust money, at isang lagayan ng sigarilyo.
Nasa kostidaya na ng Coron Municipal Police Station ang suspek at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.