Tumanggad ng Plaque of Appreciation si Police Senior Superintendent Leo Quevedo, Provincial Director ng Romblon Provincial Police Office matapos na kilalanin ng Regional Police Office MIMAROPA ang Romblon PPO bilang Outstanding Police Provincial Office ng taon sa Police Community Relations.
Inabot ang parangal kay PD Quevedo sa ginanap na Culminating Activity ng 22nd Police Community Relations Month ngayong Lunes sa Camp Efigenio C Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro. Panauhing pandangal si Oriental Mindoro, OIC Provincial Administrator Dr. Romeo Infantado kasama si Police Chief Superintendent Wilben Mayor, Regional Director naman ng Regional Police Office MIMAROPA.
Maliban sa Romblon PPO, nakatanggap rin ng parangal ang Calatrava Municipal Police Station (MPS) bilang outstanding MPS ng taon sa Police Community Relations.
Si Police Senior Inpsector Gemie Mallen, dating hepe ng Calatrava Municipal Station ay kinilala bilang Outstanding Junior PCO ng taon sa Community Relations habang si Senior Police Officer-1 Evaresto Famero Jr., PCR PNCO ng Odiongan Municipal Police Station ay nakatanggap naman ng Outstanding Senior PNCO ng taon.
Ilang mamahayag rin sa MIMAROPA ang nakatanggap ng parangal mula sa Regional Police Office MIMAROPA.
{googleads center}