Naglunsad ng isang programa ang Romblon Provincial Police Office sa bayan ng Romblon, Romblon na nagpapakita ng kanilang pagsuporta sa mga tropa ng pamahalaan lalo na sa mga kasamahan nilang pulis na lumalaban sa gyera kontra sa teroristang grupong Maute-Isis sa Marawi City, Lanao Del Sur.
Sa programang “Support Our Troops” na inilunsad sa Multi-purpose Building ng Romblon Provincial Police Office, sinabi ni Police Supt. Raquel Martinez na layunin rin ng programa na makalikum rin ng financial na suporta para sa pambili ng essential needs na ibibigay sa mga tropa roon.
Dinaluhan ang launching ng programa ng mga pare galing sa St. Joseph Parish Church, Pastor ng Higher Ground Baptist Church, at ilang Muslim Brothers na naka-base na sa Romblon, Romblon.
Maliban sa pagpapalipad ng puting lobo, nagkaroon rin ng motorcade sa bayan ng Romblon na pinangunahan naman ni Police Senior Inspector Gemie Mallen ng Romblon Municipal Police Station.
{googleads center}