Natagpuan na kanina ng mga mangingisda sa San Francisco, Quezon ang mangingisada na si Samson Mingo, residente ng Barangay Logbon, Romblon, Romblon.
Ayon kay Ceasar Saul Malaya, LPT LDRRMO III ng Romblon, Romblon; buhay at nagpapahinga si Mingo sa isang Hospital sa Lucena City.
Binayo umano ng malalakas na alon ang bangka ni Mingo kaya tumaob at lumubog ito, mabuti umano’t nakakapit siya sa isang kawayan hanggang sa makita siya kanina.
{googleads center}
Lunes ng madaling araw ng pumalaot si Mingo para sana mangisda ngunit hindi na siya bumalik pagkahapon kaya nagsumbong ang kanyang pamilya sa otoridad para hanapin.
Inaasahang ibabiyahe si Mingo pabalik ng Romblon kapag nakapag pahinga na.