Naaresto kahapon ng tanghali sa Barangay Lucbuan sa Siyudad ng Puerto Princesa sa Palawan ang lalaking wanted dahil sa 5 warrant of arrest laban sa kanya.
Kinilala ni Supt. Imelda Tolentino ng Regional Police Information Office MIMAROPA ang suspek na si Alvin Payawal Tamar, 34-anyos, at residente ng naturang barangay.
Wanted si Tamar sa kasong 1-count of murder, 1-count of frustrated murder, at 3-counts of attempted murder.
{googleads center}
Ang mga warrant of arrest ay nilabas ng Regional Trial Court Branch 51 at 52 ng Puerto Princesa City at ng Branch 95 ng Roxas, Palawan.
Hawak na ng Mendoza Police Station ang suspek at nakatakdang iharap sa korte.