Naaresto ng Romblon Municipal Police Station at ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) kagabi sa bayan ng Romblon, Romblon ang isang businessman na diumanoy nabilhan nila ng ipinagbabawal na droga.
Kinilala ni Police Senior Inspector Gemie Mallen, hepe ng Romblon Municipal Police Station, ang suspek na si Pio Rodelas Falcutila Jr., 49-anyos, residente ng Barangay Capaclan, Romblon, Romblon at isang businessman.
Ayon sa police report ng Romblon MPS, nabilhan umano si Falcutila ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 ng isang police na nagpanggap na buyer.
Matapos positibong mabilhan, agad umanong inaresto ang suspek.
{googleads center}
Maliban sa nabiling isang sachet, nakuhaan rin sa katawan ang suspek ng dalawa pang sachet na may lamang white crystalline substance o pinaghihinalaang shabu.
Nakakulong na ang suspek sa Romblon Municipal Police Station at nakatakdang maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002