Pumabor sa request ni President Rodrigo Duterte na i-extend ang Martial Law sa Mindanao ang Congressman ng Lalawigan ng Romblon na si Hon. Emmanuel Madrona.
Sa ginanap na botohan sa joint session ng Senate at Congress sa House of Representative ngayong araw, bumoto ng ‘YES’ si Congressman Madrona.
Sa pangkahalatan, 245 congressman sa buong bansa ang pumabor na bigyan ng extention hanggang December 31, 2017 ang Martial Law sa Mindanao habang 14 naman ang hindi pumabor.
158 lamang na boto ang kailangan ng Congress para makuha ang majority na boto para ipasa ang hiling ni Pangulong Duterte.