Dead on the spot at hindi na natulungang ma-revive ng mga rumispondeng medical team ang isang lalaki sa bayan Naujan, Orietal Mindoro matapos na mabundol ito ng isang motorsiklo.
Ayon sa Calapan City Public Safety Department na rumisponde sa aksidente, nangyari ito bandang 8:30 ngayong gabi sa Barangay Sampaguita ng nabanggit na bayan.
Papatawid na umano sana ang lalaki ng masalpok ng humaharurot na motorsiklo. Maaring hindi niya umano ito napansin na paparating ang motorsiklo dahil sa may kadiliman sa lugar kaya nasalpok siya nito.
Dinala naman sa Oriental Mindoro Provincial Hospital ang rider na nakasalpok sa lalaking biktima matapos magtamo naman ng galos sa katawan.
Hindi pa nakikilala ng awtoridad ang nasawing pedestrian.