Simula sa araw ng Biyernes, July 14, ay balik na sa normal na operasyon ang biyahe ng barko ng Navios Shipping Lines, Inc. mula Batangas patungong Romblon, Romblon at Cajidiocan, Romblon.
Ang nasabing anunsyo ay halos isang buwan matapos na mag dry-dock ang barko ng Navios Shipping Lines, Inc.
Base sa kanilang schedule, aalis ng Batangas patungong Romblon at didretso ng Cajidiocan ang barko tuwing Sunday at Wednesday, 4PM. Aalis naman patungong Batangas ng 11AM bawat Lunes at Huwebes galing Cajidiocan habang 4PM naman galing Romblon, Romblon.
Para sa contacts, maari silang bisitahin sa kanilang Facebook Page.