Humarap sa publiko nitong umaga ng July 03 at ibinida ni Mayor Mariano Mateo ang kanyang mga nagawa sa kanyang bayan sa Romblon, Romblon sa kanyang unang taong siya’y nasa pwesto.
Sa kanyang State of the Municipality Address, ibinida ni Mayor Mateo ang mga nagawa kaugnay sa mga mas pina-igting na traffic enforcement sa mga kalsada sa kanyang bayan kung saan patuloy ang pagdami ng mga sasakyan kasabay ng pag-unlad nito.
Ibinida rin niya ang iba’t ibang assistance para sa mga nangangailangan lalo na sa mga Senior Citizens ng kanyang nasasakupan.
Kanya ring ibinida ang pag-unlad ng mga patubig sa kanyang bayan gayun na rin ang water system para sa mga pamamahay gayun na rin ang pagdami ng mga scholars sa kanyang lugar.
Ang lahat umanong ito ay hindi magagawa kung wala umanong political will at magandang relasyon sa mga Sanguniang Bayan members at kay Vice Mayor Mac-Mac Silverio; gayun na rin umano sa mga taong nasa iba’t ibang ahensya at sector sa kanyang bayan.