Nagpapatuloy ang paglilinis ng mga tauhan ng munisipyo ng Romblon, Romblon sa mga kahoy na bumara sa kanilang mga creek kagabi na naging dahilan ng malawakang pagbaha sa mismong sentro ng bayan.
Gumamit na ng malalaking sasakyan ang munisipyo para mabuhat ang mga kahoy na bumara sa isang tulay sa lugar.
ADVERTISEMENT
Patuloy rin ang kanilang paglilinis sa mga kalsadang nagmistulang putik na dahil sa pagbabaha.