Dahil sa masungit na panahon at malakas na alon sa dagat na nararanasan sa Romblon ngayong araw, sinuspendi ng Coast Guard ang biyahe ng mga maliliit na pumpoat o bangka sa buong probinsya.
Sa bayan ng Romblon, Romblon; ilang pasahero ang stranded sa Romblon Port matapos na hindi payagan ng Coast Guard ang kanilang bangka na bumiyahe.
Ilan sa kanila ay maaga pang nasa pantalan para mag-antay kung papayagan ng Coast Guard ang mga bangka ngunit bigo sila.
Karamihan umano sa kanila ay galing sa Kapitolyo ng Romblon at biyaheng Tablas Island, Romblon sana para umuwi ngayong weekend.
Sa ngayon, makulimlim na kalangitan na may pabugso-bugsong pag-uulan ang nararanasan sa probinsya.