Patay sa pamamaril ang isang Barangay Kagawad ng Calapan City, Oriental Mindoro nitong alas-2:15 hapon ng Biyernes.
Ayon kay Supt. Imelda Tolentino ng Regional Police Information Office MIMAROPA, galing umanong barangay hall at sakay ng owner-type jeep ang biktima na si Roberto Dimaano Abrigo, 47-years old, nang tambagan sa National Highway ng Barangay Sta. Isabel, Calapan City.
Si Abrigo ay Barangay Kagawad ng Barangay Sta. Isabel kung saan nangyari ang pamamaril.
Patungo sana umanong Barangay Balinggayan ang biktima ng biglang dikitan at pagbabarilin ng isang lalaking nakasakay ng motorsiklo.
Agad umanong tumakas ang mga hindi nakilalang suspek patungo sa may direksyon ng Munisipyo ng Baco ng parehong probinsya.
Dead on the spot ang biktima matapos magtamo ng 9 na tama ng bala ng baril sa katawan.
Nagsagawa na rin ng masusing imbestigasyon ang pamunuan ng Calapan City Police Station para sa makilala ang pumatay kay Abrigo.
Naglatag na rin ang mga otoridad ng checkpoint sa mga exit at entrance point ng Calapan City.