Pito katao na ang naiulat na patay sa nangyaring paglubog ng isang pumpboat mag-aala una ngayong hapon sa bayan ng Romblon, Romblon.
Kasama sa mga namatay ang isa sa mga Doctor ng Sibuyan Island na si Laudemir Famarin. Kasama sina Josephine Mutia,Evangeline Chedera, Anacel Macalipay, Melly Mendezabal, Cristelle Jane Hawod, at si Johnmark Mingo.
Nailigtas na ang iba pang sakay ng pumpboat at dinala na sa Romblon District Hospital.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, galing ang nasabing pumpboat na M/B Alad Express 2 na may sakay na 59 katao sa Magdiwang, Sibuyan Island at patungo sanang Romblon, Romblon upang maghatid ng mga pasahero ng makasalubong ng malakas na ulan at hangin.
Malapit na rin umano sana sila sa pier at halos ilang kilomtero nalamang ngunit hindi na kinaya ng pumpboat at tumaob na ito.
Ayon sa isang witness, halos mag zero visibility umano ang kanilang daanan kanina dahil sa sobrang lakas ng alon at ulan.